Ipinahayag ni Senador Bong Go na hindi pa panahon para itulak ang muling pagpapalawig sa Martial Law sa Mindanao.
Gayunman, aniya mananatili pa rin sa presidente ang huling baraha king papayagan nito ang nasabing mungkahi.
Sa panayam ng Media matapod bisitahin ang mga nasunugang pamilya sa Barangay Maybunga Pasig, aminado siya na may magandang naidulot ang batas militar sa pagpapanatili ng kalagayang pansegiridad at pagtiyak maayos na pamumuhay sa Mindanao.
Ginawa ni Go ang pahayag sa kabila ng pag amin ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na kailangan ang extensiyon ng Martial Law sa Mindanao dahil sa patuloy na pagiging aktibo ng mga rebeldeng grupo sa lugar na kinabibilangan ng Abu Sayaf , BIFF at Maute.
Facebook Comments