Extension ng “no disconnection policy” sa mga kumo-konsumo ng 100 kilowatts per hour pababa, inaprubahan ni Pangulong Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Energy (DOE) na palawigin ang implementasyon ng “no disconnection policy” para sa mga customer na may mababang konsumo ng kuryente.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang desisyon ng Pangulong Duterte ay kasunod ng naganap na 51st Cabinet meeting kagabi.

Aniya, pumayag ang Pangulo na hindi puputulan ng kuryente ang mga kababayan natin na kumo-konsumo ng 100 kilowatts per hour pababa kada buwan.


Ito ay upang maka-agapay sa mga gastusin ng taongbayan lalo na ngayong nakakaranas ng krisis ang bansa dahil sa pandemya.

Bukod dito, nanawagan din ang Pangulo sa Kongreso na palawigin ng 30 years o hanggang taong 2051 ang subsidiya para sa mga marginalized power consumers.

Facebook Comments