Pinag-aaralan pa ng Malakanyang kung palalawigin ang umiiral na price cap para sa presyo ng baboy at manok sa Metro Manila.
Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa harap na rin ng napipintong pagpaso ng price ceiling sa ika-8 ngayong buwan ng Abril.
Kaugnay nito, sinabi ni Secretary Roque na ang pagi-import ng baboy at repopulation o pagpaparami sa mga ito ay sapat na upang matugunan ang kakulangan ng supply ng karneng baboy sa Metro Manila dahil sa African Swine Fever.
Matatandaan na buwan ng Pebrero nang ibaba ng Malacañang ang Executive Order No. 124 na nagi-impose ng price cap sa presyo ng baboy at manok sa National Capital Region.
Facebook Comments