Extension ng senior high school voucher program, para sa mga nag-online application lamang ayon sa DepEd

Muling ipinaalala ng Department Of Education o DepEd sa mga magulang at mag-aaral na ang extension ng Senior High School Voucher Program (SHS VP) ay para lamang sa online appplication at ang manual application ay natapos na noong May 3.

 

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, Ito’y dahil sa marami pa ring magulang ang dumudulog sa DepEd at kailangan pang makapag-apply para sa vouncher ng kanilang mga anak.

 

Hanggang sa June 7 ang extension ng online application at ang resulta ng mga qualified ay iniurong din sa june 24 na dati ay June 17.


 

Sa ilalim ng voucher program para sa Senior High School, ang mga kwalipikadong Grade 10 finishers ay makatatanggap ng hanggang P22, 500.00 na financial assistance.

 

Habang ang mga Grade 10 na nagtapos sa local at state universities and colleges ay otomatiko nang kwalipikado maging ang mga nanggaling sa private schools na kasama sa education service contracting (ESC) program ng DepEd.

Facebook Comments