EXTENSION NG VOTER REGISTRATION, IKINATUWA NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Ikinatuwa ni Sangguniang Panlalawigan Presiding Officer Vice Governor Mark Lambino matapos aprubahan ang Extension ng Voter’s Registration hanggang sa huling araw ng Oktubre.

Aniya, pabor ito sa extension ng voter’s registration dahil may mga report umano na marami sa mga Pangasinense ang hindi pa nakapagpaparehistro dahil sa pandemya at quarantine classifications ng kanilang lugar.

Binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagboto na isang sagradong karapatan ng bawat Pilipino.


Sa huli, hinikayat ni Lambino ang mga Pangasinense na magpunta sa opisina ng COMELEC at magparehistro upang makaboto sa susunod na halalan.

Facebook Comments