Extension ng voter registration, matagumpay ayon sa Comelec

Naging matagumpay ang extension ng voter registration sa bansa ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ito ay matapos umabot sa 400,000 bagong botante ang nagparehistro nitong Oktubre para makaboto sa halalan sa 2022.

Lagpas ito sa target na 300,000 kung saan karamihan sa mga nagparehistro ay mga babae at kabataan.


Aminado naman ang Comelec na may ibang field offices na agad natapos sa huling araw dahil nawalan ng suplay ng kuryrente tulad sa Marawi.

Nitong September 30 pa dapat natapos ang rehistrasyon sa pagboto pero pinalawig pa ito mula October 11 hanggang 30 para mas maraming Pilipino ang makaboto.

Facebook Comments