Extension ng Water Concession Agreement, isasailalim sa renegotiation

Handa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng mag-presenta ng revised Agreement sa dalawang Water Concessionaires.

Ito ay kapag nakabuo na ng draft ang Dept. of Justice (DOJ) para rito.

Ayon kay MWSS Administrator Emmanuel Salamat, anumang kontratang matatanggap nila mula sa DOJ ay i-aalok nila ito sa Maynilad at Manila Water.


Aniya, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng bagong kontrata na walang ‘onerous provisions.’

Hindi pa masabi ng MWSS kung kailan maisasapinal ang mga bagong kasunduan.

Ikinalugod naman ng Maynilad at Manila Water ang bagong development sa kabila ng banta ni Pangulong Duterte na magpapadala ng sundalo para akuin ang kanilang operasyon.

Facebook Comments