Extension sa VFA, welcome sa ilang mambabatas

Ikinalugod ni National Defense and Security Vice Chairperson Ruffy Biazon ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng anim na buwan ang suspensyon sa pagpapawalang bisa ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng bansa at ng Estados Unidos.

Ayon kay Biazon, ang pagpapalawig pa sa suspensyon ng pagpapatigil sa VFA para sa layuning i-evaluate ang purpose nito ay maituturing na maingat na hakbang ng Pangulo.

Umaasa si Biazon na ang desisyong ito ay makapagbibigay ng pagasa para sa pagpapatuloy at pagpapabuti sa PH-US security partnership.


Mahalaga rin ang aksyon na ito sa gitna na rin ng mga isyu sa West Philippine Sea kung saan nakasalalay ang interes ng bansa.

Inaasahan din ang mas aktibo pang presensya ng Estados Unidos sa rehiyon bunsod na rin ng Free and Open Indo-Pacific Strategy sa mga susunod na taon.

Facebook Comments