Kumpiyansa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. General Bartolome Vicente Bacarro na lalakas ang external at internal defense capability ng bansa sa pagdagdag ng mga bagong Fast Attack Interdiction Craft-Missile (FAIC-M) ng Philippine Navy.
Ang mga bagong barko na pinangalanang BRP Nestor Acero (PG901) at BRP Lolinato To-ong (PG902) ang unang dalawa sa siyam na Shaldag Mk V fast attack craft na binili ng Pilipinas mula sa Israel Shipyards Ltd, sa halagang ₱10 billion.
Ang 32-metrong barko ay may remote stabilized weapons at short-range missiles.
Nabatid na tatlo pang kahalintulad na barko ang nakatakdang dumating sa bansa ngayong taong habang apat naman ang kinukumpuni sa Philippine Navy shipyard sa Naval Station Pascual Ledesma, Cavite City.
Samantala, sinabi ni Lt. Gen. Bacarro na ang mga bagong barko ay gagamitin sa pagbabantay ng borders ng bansa laban sa foreign intrusions at naval-support sa mga tropa sa joint operations.