EXTORTION | 2 dating opisyal ng Bureau of Immigration, pinakakasuhan

Manila, Philippines – Pinasasampahan ng Senate Blue Ribbon Committee ng kasong plunder, direct bribery at katiwalian sina dating Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles.

Ito ay kaugnay ng 50 million pesos extortion scandal sa BI matapos mahuli ang mga Chinese nationals na iligal na nagta-trabaho sa Clark.

Sa 31 pahinang committee report ng komite, inirekomenda rin ang pagsasampa ng kasong direct bribery kay dating Immigration Intelligence Chief Carlos Calima dahil nakihati umano ito sa pera.


Pinakakasuhan naman ng corruption of public officials ang bagman ni Jack Lam at dating pulis na si Wally Sombero.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng senado kay Lam na nakalabas ng bansa ilang araw matapos mahuli ang mga nasabing dayuhan sa kanyang kumpanya.

Kasabay nito, pinagpapaliwanag naman ng Senado si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pakikipagkita nito kay Sombero at Lam.

Facebook Comments