Extortion at paghihiganti ng BIFF, posibleng motibo sa pagpapasabog sa Isulan, Sultan Kudarat – AFP

Extortion at paghihiganti ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF ang tinitignang motibo ng militar sa pagpapasabog sa Isulan, Sultan Kudarat kahapon ng hapon.

Ito ay ayon sa Joint Task Force Central at kay 6 ID Commander Major General Cirilito Sobejana.

Ipinaabot ni Sobejana ang kanyang pakikisimpatya sa lahat ng biktima ng “barbaric act” na aniya ay kagagawan ng mga “peace spoilers” na layong maghasik ng takot sa komunidad.


18 katao ang sugatan nang sumabog ang isang improvised explosive device o IED sa Carlitos Restaurant sa Barangay Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat pasado alas-3 ng hapon kahapon

Dalawa sa mga sugatan ang kinailangang sumailalim sa operasyon, habang “slightly injured” lang ang iba.

Ayon kay 6th Infantry Division Spokesperson Major Arvin Encinas, narekober ng EOD teams sa blast site ang mga piraso ng 9v battery, piraso ng cellphone, ilang pirasong 1inch concrete nails at mga wasak na bahagi ng kulay red-orange plastic container.

Siniguro naman ni Sobejana na gagawin ng militar ang lahat para mapanagot ang mga responsable sa insidente.

Facebook Comments