Posibleng isang Extortion Group ang nasa likod ng pagsabog sa isang palengke sa Isulan, Sultan Kudarat kahapon.
Ayon pa kay Isulan Police Chief Lt. Col. Joven Bagaygay, base sa CCTV Footage, lalaki na nagpanggap na babae ang suspek na nag-iwan ng bomba sa harapan ng isang bakery.
Aniya, posibleng ang suspek ay kasapi ng grupong nagbanta noon na magpapasabog sa lugar kung hindi magbabayad ang lokal na pamahalaan ng P250,000 na extortion money buwan-buwan.
Nakausap pa mismo ni Mayor Marites Palasigue ang mga extortionist noong Lunes.
Samantala, kinondena ng militar ang pag-atake at nagpadala na sila ng team na magbabantay sa lugar.
Patuloy namang ginagamot sa ospital ang walong nasugatan sa pagsabog.
Facebook Comments