EXTORTION | Nagpakilalang NPA, timbog!

Quezon City – Nadakip ng mga otoridad na galing Del Gallego, Camarines Sur ang nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Quezon City.

Hindi na nakapalag pa ang suspek na si Alejandro Concepcion, 27-anyos, matapos mag-withdraw ng “extortion money” sa isang remittance center sa Fairview.

Ayon sa police Del-Gallego, ilang negosyante sa kanilang lalawigan ang nagrereklamo hinggil sa ginagawang pagbabanta at pananakot ng NPA kapag hindi naibibigay ang hinihingi nitong pera.


Aabot a mahigit 100,000 piso ang na-withdraw ng suspek na nahaharap ngayon sa mga kasong robbery at extortion.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng police-Del Gallego upang maaresto ang iba pang miyembro ng NPA na sangkot sa talamak na pangingikil sa lalawigan.

Facebook Comments