EXTORTION ang isa nakikitang motibo sa tangkang pagpapasabog ng Improvised Explosive Device o IED sa terminal ng bus sa Shariff Aguak, Maguindanao noong huwebes, January 28.
Sinabi ni Husky Bus Company Cotabato Station Head Carlo Manalo na bago pa man ang insidente ay nakakatanggap na sila ng text mula sa isang nagpakilalang Abu Saddab na lider ng grupong “ISM”
Humihingi umano ito ng P2M na halaga ng pera bilang proteksyon money ng Husky Company para hindi mabiktima ng pambobomba ang kanilang mga bus. Hindi naman malinaw kung ano ang ibig sabihin ng ISM.
Dagdag pa ni Manalo, patuloy ang pagpapadala ng mensahe at pananakot ng naturang grupo na papasabugin o ihaharas ang kanilang mga unit.
Una ng narekober noong Huwebes ng tanghali ang IED na gawa sa 60mm mortar high explosives, one MK-2 type hand grenade, isang 250 mg gasolina, dalawang blasting cap, 9 volts battery at cellphone na nakalagay sa kulay itim na bag.
Base sa salaysay ng mga testigo, isang lalake na hindi masyado katandaan ang kanilang napansin na nakasakay sa Husky Bus mula sa Cotabato City na may dalang gray pack bag saka iniwan pagkarating sa shariff aguak terminal.
Agad namang na diffuse ng EOD team ang naturang IED pasado ala una ng hapon noong huwebes.