Extra-Judicial Killings sa Pilipinas, pinatitigil na sa US Congress

Manila, Philippines – Hinimok ng mga human rights activist ang US Congress na ipatigil na kay President Rodrigo Duterte ang Extra-Judicial Killings sa Pilipinas.

Sa pagdinig sa US House Committee on Foreign Affairs’ Human Rights Body, iginiit rin ni I-Defend Spokesperson Ellecer Carlos, na dapat na ring itigil ni Duterte ang pagbabanta sa mga human rights defenders.

Aniya, dapat ipatupad ng mga ito ang rule of law at dumaan sila sa tamang proseso.
Nanawagan naman ng suporta si Phelim Kine, Deputy Director for the Asia Division of Human Rights Watch, sa U.S. senate bill na nagsusulong na ipagbawal na ang pagbibigay ng firearms aid sa Pilipinas dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao.


Naniniwala rin si Amnesty International Senior Crisis Advisor Matthew Wells na dapat i-reorient ang bansa sa drug policies na nag-poprotekta sa health at human rights.

Facebook Comments