EXTRA ORDINARY | 10 outstanding Pilipino, binigyang parangal

Manila, Philippines – Binigyang parangal ng Metro Bank Foundation ang 10 outstanding Pilipinos matapos magpakita ng lubos na kagalingan sa kanilang larangan.

4 guro, 3 sundalo at 3 pulis ang makakatanggap ng isang milyong piso, gintong medalya at flame trophy.

Kabilang sa kinilalang outstanding Filipinos 2018 ay sina Lieutenant Colonel Thomas Ryan Seguin, Mary Jane Ramo, Lieutenant Colonel Danilo Facundo, Carla Dimalanta, Police Senior Inspector Dennis Ebsolo, Aimee Marie Gragasin at SPO1 Aida Awitin.


Ayon kay ginoong Aniceto Sobrepeña president ng Metrobank Foundation, ang nabanggit na indibidwal ay ordinaryong public servant pero nagpakita ng extra ordinary sa kanilang serbisyo.

Sinabi naman ni DepEd Secretary Leonor Briones, marami sa panahon ngayon ay ayaw ng manood makinig at magbasa ng balita dahil sa mga negatibong pangyayari.

Pero kung titignang maigi nasa paligid lang ang magandang balita na magbibigay inspirasyon sa mga Pilipino.

Facebook Comments