Inaresto sa Canada ang chief financial officer ng Chinese tech giant na Huawei na si Meng Wanzhou.
Nahaharap ang Huawei official sa extradition sa Estados Unidos.
Ayon sa Canadian Justice Department, nakatakda ang bail hearing ngayong Biyernes, December 7.
Hindi idinetalye ang kinakaharap na kaso ni Meng kasunod ng publication ban na iniutos ng hukom kung saan ipinagbabawal ang mga pulis at prosecutor na maglabas ng impormasyon.
Tumanggi naman ang U.S. Justice Department na magkomento.
Hinimok naman ng China Ministry of Foreign Affairs na palayain si Meng at pinagpapaliwanag ang U.S. at Canada kung bakit ito ikinulong.
Ang Huawei ay isang kilalang Chinese brand ng smartphones at telecommunication equipment.
Facebook Comments