Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na naprubhaan na Timor-Leste ang pagpapabalik sa Pilipinas ni dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.
Ito’y matapos na manalo sa extradition case ang gobyerno ng Pilipinas laban kay Teves kung saan ang Attorney-General ng Timor Leste ang nagpadala ng mensahe sa DOJ.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, matatapos na rin ang ginagawang “hide and seek” ni Teves at hindi na rin ito matatakasan ang mga kinakaharap na kaso.
Dagdag pa ng kailihim, may pagkakataon si Teves na humarap sa korte at patunayan kung wala talagang kasalanan.
Matatandaan na kinasuhan si Teves ng murder, frustrated murder at attempted murder matapos ang pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong nakaraang taon.
Sinabi pa ni Remulla na isa lang ang kaso ni Teves na nagpapatunay na malakas at umiiral ang justice system ng bansa at nagpapasalamat siya sa naging desisyon ng Timor Leste na pauwiin ng bansa ang dating kongresista.