EXTRADITION | Pilipinas, hihilingin ang extradition ni Peter Lim kapag natunton ang bansang pinagtaguan nito

Manila, Philippines – Extradition ang nakikita ng Department of Justice para maibalik sa Pilipinas ang negosyanteng si Peter Go Lim kapag natunton kung saang bansa ito nagtago.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, maaring hilingin sa mga bansang may extradition treaty sa Pilipinas para maibalik si Lim

Hindi pa rin makumpirma ng DOJ hanggang sa ngayon ng DOJ ang napaulat na pagtakas ni Lim mula Palawan patungo sa Malaysia.


Nabatid na pinuntahan na ng mga otoridad ang kanyang mga bahay sa Cebu para ihain ang warrant of arrest sa kasong conspiracy to commit illegal drug trade subalit wala na roon si Lim.

Facebook Comments