Manila, Philippines – Pino-proseso na ng Department of Justice ang extradition request ng United States government laban kay Dr. Russel Salic na sinasabing kaalyado ng Maute terrorist group.
Si Dr. Salic, 37, ay kabilang sa tatlo kataong kinasuhan sa US dahil sa pagpa-plano ng terror attacks sa New York City.
Partikular ang pagpapadala daw nito ng pondo sa Amerika para gamitin sa pag-atake doon.
Si Salic ay sumailalim din sa preliminary investigation ng DOJ dahil sa kasong kidnapping and murder
May kaugnayan din ito sa kanyang pagkakasangkot sa mga pagdukot at pamumugot ng Maute group sa ilang bihag nito sa Iligan City noong Agosto.
Kabilang sa complainants sa kaso ni Salic sina Gabriel Tomatao Permitis, Alfredo Sarsalejo Cano-os, Esperanza Permitis, Adonis Antipisto Mendez, at Julito Permitis Janubas.
Ayon sa kanila, nakita nila si Salic na kausap ang mag-asawang Cayamora at Farhana Maute.