Extradition treaty at Interpol Red Notice, isa sa mga pwedeng gamitin ng pamahalaan para maaresto si Alice Guo

Hindi titigil ang Presidential Anti-Organized Crime Commission para mapabalik sa bansa at mapanagot si dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PAOCC Spokesperson Winston John Casio, maraming legal na aksyong pwedeng gawin ang pamahalaan para maaresto ito.

Isa na rito ang pagsusulong ng extradition process kung ang bansang kinaroroonan ni Guo ay may extradition treaty sa Pilipinas.


Pero kailangan muna aniyang makansela ang pasaporte ni Guo para matanggalan siya ng karapatang makabiyahe, at ma-hold sa kinaroroonang bansa.

Hinihintay rin ng pamahalaan ang resolusyon ng Department of Justice para sa paghahain ng qualified human trafficking.

Oras na maihain aniya ito ay magpapalabas na ng arrest warrant laban kay Guo na isang triggering mechanism para makakuha ng Red Notice mula sa International Police o Interpol.

Bukod sa naunang tax evasion case, qualified trafficking in persons, at kaso sa Ombudsman ay mayroon pa silang ibang mga kasong hinihintay na maisampa laban kay Guo sa mga susunod na linggo.

Facebook Comments