Pumalag si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay dating Senador Antonio Trillanes IV.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Trillanes na ang pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu ay pinakabagong insidente na pagkunsinte sa umano’y extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng Duterte Administration.
Dagdag pa ni Trillanes, ang “nanlaban doctrine” ay isang lason na sumisira sa Philippine National Police (PNP) bilang isang institusyon.
Tugon ni Año, hindi polisiya ng pamahalaan ang EJK.
Pagtitiyak ng kalihim na maibibigay ang hustisya at mapapanagot ang mga responsable.
Ang PNP at ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nagsasagawa ng kani-kanilang imbestigasyon.
Facebook Comments