EXTRAJUDICIAL KILLINGS | Malacañang, pinayuhan ang Grupong Karapatan na magsampa ng kaso kaugnay sa mga napatay na aktibista

Pinayuhan ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang Grupong Karapatan na magsampa ng kaso kaugnay sa mga di umano ay pinatay na aktibista mula nang ideklara ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Roque, justice system sa bansa ay hindi uusad kung puro salita lamang ang paiiralin.

Aniya, kailangang magsampa ng reklamo at i-document ang mga di umano ay pagpatay sa mga aktibista sa Mindanao upang umusad ang kaso sa korte.


Matatandaan nitong Martes, nanawagan ang Grupong Karapatan sa United Nations (UN) at Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang 49 na kaso ng Extrajudicial Killings (EJK) sa hanay ng mga aktibista sa Mindanao.

Kung saan sinabi ng grupo na halos kada linggo ay may isang aktibista ang napapatay, simula nang ideklara ang Martial law sa lugar.

Facebook Comments