Extreme Lockdown sa Morning Breeze ng Muntinlupa, inalis na

Kinumpirma ni Dr. Teresa Tulioa na inalis na ang Extreme Localized Community Quarantine (ELCQ) sa Morning Breeze ng Muntinlupa matapos itong sumailalim sa dalawang linggong lockdown.

Ayon kay Dr. Tulioa, bumuti at nako-control na ang sitwasyon ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa naturang lugar.

Sa katunayan aniya, meron na lang itong 16 na active cases batay sa kanilang tala kahapon at meron ding anim na recoveries.


Iginiit pa niya na ang nasabing bilang ng active cases ay nagpapagaling na lang sa ospital ng Muntinlupa City.

Habang ang mga probable case sa naturang compound ay nagnegatibo na sa COVID-19.

Matatandaang ipinag-utos ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi na sumailalim sa ELCQ ang Morning Breeze simula noong June 3, 2020 hanggang June 5, 2020 pero kalaunaan ay pinalawig hanggang kahapon.

Sa ngayon, ang Muntinlupa City ay meron nang 303 na kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID-19.

Mula sa nasabing bilang, 35 ang nasawi at 185 recoveries.

Facebook Comments