Faberco Life Sciences Inc., planong mag-supply ng COVID-19 vaccine na Novavax sa bansa

Plano ng local pharmaceutical distributor na Faberco Life Sciences Incorporation na mag-supply ng Novavax sa Pilipinas.

Ang Novavax ay isang COVID-19 vaccine na dinevelop ng isang kompanya sa Estados Unidos at ginawa ng Serum Institute of India.

Tiniyak naman ni Faberco’s Medical Director at Chairman Dr. Luningning Villa na hindi nila ito ilalabas hangga’t hindi nila nasisigurong ligtas at epektibo ang nasabing bakuna na kasalukuyang nasa Phase 3 na ng clinical trial.


Nabatid na sinubukan na ng Estados Unidos at United Kingdom ang nasabing bakuna kung saan nilahukan ng halos 50,000 na tao.

Samantala, inaasahang aabot sa $20 o halos isang libong piso ang halaga ng kada isang Russia’s Sputnik V COVID-19 vaccine sa international markets.

Balak din ng financial backers at developers ng Sputnik V na mag-produce ng bilyun-bilyong doses ng bakuna sa susunod na taon.

Giit ni Russian Direct Investment Fund (RDIF) Head Kirill Dmitriev na higit na mas mura ito kumpara sa ibang bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments