Face app na kikilala sa mga wanted, inilunsad ng QCPD

Inilunsad ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang kauna-unahang facial recognition application o face-app sa bansa sa itinayong Unified Intelligence and Investigation Center o UIIC.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Red Maranan, sa pamamagitan ng face-app kaagad na malalaman kung may criminal record at pending warrant of arrest ang isang indibidwal.

Aniya, sa bawat operation ng mga operatiba ng QCPD ang naarestong suspek sa akto ng krimen ay kukunan ng larawan sa cellphone.


Ang litrato aniya ay ipapadala sa Viber group ng QCPD Cyberpatroller Division at ita-tie up sa data base kung saan malalaman kung may dati nang criminal record o warrant ang suspek.

Sa pamamagitan aniya ng unified system kahit na magpalit nang pangalan ang arestadong suspek ay lilitaw ang larawan nito maging ang criminal record o pending warrant of arrest.

Sinabi pa ni Maranan, malaking tulong ang naturang system na kanyang natutunan sa Japan lalo’t kalimitan sa mga kriminal ay gumagamit ng fake identification.

Nilinaw rin nito na ang bagong system application ay kanilang paraan laban sa krimen at hindi ito papasok sa isyu ng mistaken identity.

Facebook Comments