Hindi sinang-ayunan ng Malacañang na tanggalin na ang pagsusuot ng face shield bilang mandatory requirement sa COVID-19 health protocols.
Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na ang pagsusuot ng face maks at face shield na sasabayan pa ng physical distancing ay katumbas na rin ng pagbabakuna laban sa COVID-19.
Nakakatulong aniya ang face mask at face shield na maibaba ang kaso ng COVID-19.
Dagdag pa ni Roque, hindi naman kailangang gumastos ng napakalaki ng publiko dahil halos lahat ng tao ay mayroong sariling face shields.
Gayumpaman, tiniyak ng Palasyo na sisilipin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang proposal na ito.
Facebook Comments