Manila, Philippines – Umani ng batikos si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Seguerra matapos itong magsuot ng face mask sa gitna ng meeting kasama ang kanyang staff.
Usap-usapan ngayon sa social media ang facebook posts ni Diño kung saan iginiit ng ilang netizens na unprofessional ang ginawa nito.
Lalo pa daw nadismaya ang ilang netizens dahil nakalagay pa sa caption ng post ni Liza na multitasking daw ang kaniyang ginagawa.
Idinepensa naman si Diño ng kaniyang mga staff at sinabing biro lang daw ang ginawa nito lalo na at inabot na daw sila ng madaling araw sa meeting.
Inamin din ni Liza na ginawa niya ang paglalagay ng face mask para hindi daw antukin ang kaniyang staff sa gitna ng meeting at sinabi din nito na sinadya niya ang naturang larawan bilang bahagi ng kaniyang staged photo na ipinost sa kaniyang personal page.