Face masks, inanod na sa Manila Bay

Naanod na at makikitang palutang-lutang sa Manila Bay ang mga itinapong face masks.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources – National Capital Region (DENR-NCR), unti-unting tumatambad sa Manila Bay ang mga face masks na iresponsableng itinapon kasama ang iba pang basura tulad ng plastic at upos ng sigarilyo.

Kaya nanawagan ang ahensya sa mga residente na itapon nang wasto ang face masks at iba pang medical wastes o mas mainam na magsuot ng washable masks.


Tumulong aniya sila sa paglilinis, rehabilitasyon, at pagprotekta sa Manila Bay at iba pang daluyan ng tubig.

Ang paghihiwalay ng mga basura ay dapat umpisahan sa kani-kanilang mga bahay.

Nabatid na isinusulong ang proper waste segregation sa ilalim ng Republic Act 9903 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Facebook Comments