Matapos ang sinasabing pag-bili ng gobyerno ng Hubei, China ng mahigit tatlong milyong face masks sa Pilipinas, wala nang mabili ngayon na face masks sa Bambang, Sta. Cruz, Maynila.
Sa harap ito ng patuloy na pag-lobo ng kaso ng Novel Coronavirus sa China.
Iilan na lamang na mga tindahan ngayon sa lugar ang may face masks subalit mataas ang presyo nito.
Ang mangilan-nagilang tindahan na may face mask ay pinipilahan ng mga mamimili at limitado lamang ang pwedeng bilhin.
Umaabot na ngayon sa 185 pesos ang isang box ng surgical mask na limampung piraso habang ang N95 mask ay 130 pesos kada piraso.
Ayon sa mga mamimili, may ilang eskwelahan na rin ang nag-oobliga sa kanilang mga estudyante na magsuot ng face mask kaya kinakailangan nilang bumili nito.