Singapore ang napiling lugar ni US President Donald Trump para sa unang pagkikita nila ni North Korea Leader Kim Jong-un.
Kinumpirma ito mismo ni Trump kung saan gagawin sa June 12 ang kanilang face off.
Isinagawa ang anunsiyo ilang oras matapos nitong salubungin ang tatlong Amerikano na pinalaya ng North Korea.
Matatandaang ilang lugar ang pinagpilian sa pagkikita ng dalawang lider bago ito isinapinal.
Ilan sa mga lugar ay ang demilitarized zone sa pagitan ng North at South Korea, Netherlands, South Korea at iba pa.
Facebook Comments