Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang face shield ay kailangan lang isuot tuwing nasa indoor setting ang isang indibidwal.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, ang hawaan sa mga outdoor setting tulad ng paglalakad sa kalsada ay mababa kaya pwede na itong tanggalin kapag nasa labas ng isang establisimyento.
“Ang face shields, kakailanganin naman talaga ‘yan ‘pag nasa indoor ka, nasa mall ka, or ‘pag may interaction ka face-to-face inside. Pero ‘pag nasa outside naman, kasi alam naman natin ang risk of transmission is very low, at lalong-lalo na kapag naglalakad ka lang sa kalye o kaya nagtatrabaho ka, kasi makaka-affect ‘yung moist nito so puwede niyo tanggalin ho ‘yan.” ani Vega
Una nang umapela si Manila Mayor Isko Moreno sa pamahalaan na itigil na ang paggamit ng face shield.
Pero nanindigan si Health Secretary Francisco Duque na hindi pa napapanahon ang pagtanggal sa face shield dahil mabisa itong proteksyon laban sa virus batay sa siyensya.