Naglabas na ng desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa polisiya ng paggamit ng face shield sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tuloy ang pagsusuot ang face shield.
Ibig sabihin, required pa rin ang pagsusuot ng face shield sa tinaguriang 3Cs o ang close o kulob, crowded o siksikan at mga closed contact spaces.
Pero ayon sa kalihim, “for approval” pa ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pangulo na rin mismo ang mag-aanunsyo ng kanyang magiging desisyon.
Facebook Comments