Magiging voluntary basis lamang ang face-to-face classes sakaling aprubahan ito.
Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, ang face-to-face classes ay gagawin lamang sa low risk areas at mangangailangan sa pagitan ng academic institutions, magulang ng mga estudyante at mayroon din dapat guidelines mula sa Local Government Units (LGUs).
Nilinaw rin ni San Antonio na magpapatuloy ang paghahatid ng distance learning modality.
Para sa Teachers’ Dignity Coalition, dapat tiyakin ng DepEd na mayroong nakalatag na health protocols at mechanisms para matiyak may mananagot sakaling magkaroon ng hawaan.
Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dry run ng physical classes pero binawi dahil sa bagong variant COVID-19.
Facebook Comments