Face-to-face classes, hindi pa 100% na naipatupad sa Navotas City

Hindi pa 100% ang implementasyon ng face-to-faces classes sa lahat ng paaralan sa Navotas City.

Ayon sa School Division Office (SDO) ng Navotas, may limang paaralan pa sa lungsod ang nagsasagawa ng blended learning.

Habang hinihintay na makumpleto ang pagtatayo ng mga bagong school building project, nag-apply na sila ng exemption sa full face-to-face classes.


Paglilinaw ng SDO-Navotas, bago pa ang ganap na implementasyon ng face-to-face classes, una na silang nagpatupad ng limang araw na in-person classes mula Setyembre 5 hanggang 19 ngayong taon sa 24 na pampublikong paaralan sa lungsod.

Facebook Comments