Muling iginiit ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na wala pa ring face-to-face classes na ipatutupad sa buong bansa.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, tanging si Presidente Rodrigo Duterte at ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang may karapatang magtakda nito.
Pero, sinabi niya na handa ang kagawaran na magsagawa ng pag-aaral kaugnay sa posibleng pagpapatupad ng face-to-face classes sa susunod na taon kung sakaling pahintulutan ng pangulo.
Gayumpaman, sa kasalukuyan ay no face-to-face classes pa rin ang standing policy ng pamahalaan.
Samantala, ipinag-utos ng kalihim na magsagawa ng pag-aaral kaugnay sa reconceptualizing learning spaces post-COVID, kung saan kabilang dito ang mga silid-aralan, bahay, community spaces at virtual space.