Face-to- face classes, magpapatuloy pa rin sa kabila ng banta ng Omicron variant

51

Tuloy pa rin ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa bansa kahit na may banta ng COVID-19 Omicron variant.

Ito ang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones kasabay ng ulat ng ilang eksperto na posibleng hindi ganun kalala ang epekto ng Omicron variant kumpara sa ilang variant na tumama sa bansa.

Aniya, magandang balita ito dahil walang dahilan sa ngayon para kanselahin ang mga klase.


Binigyang-diin ng kalihim na batay sa huling ulat ng Department of Health ay hindi pa nila nade-detect ang nasabing variant sa Pilipinas.

Facebook Comments