Mahalagang pagsamahin ang face-to-face classes at distance learning.
Ito ang sinabi ng Department of Education (DepEd) habang hinihintay nila ang approval mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa limited face-to-face classes.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, ang pagko-combine ng face-to-face classes at distance learning ay importante para maresolba ang mga hamon at limitasyon ng pure distance learning.
Mabibigyan din ng oportunidad ang mga guro na makita ng personal ang kanilang mga estudyante at mabigyan sila ng supplemental instruction, na malaking tulong sa learning process.
Dagdag pa ni Malaluan, makakatulong din ang face-to-face classes sa assessment ng mga bata, lalo na sa remedial measures at kanilang learning progress.
Ang ganitong set-up, makakatulong sa mga bata na nahihirapang matuto sa kanilang bahay dahil sa kawalan ng gamit para sa distance learning.