Nag-abiso ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga mag-aaral na suspendido muna ang in-person classes sa ngayong araw, October 5.
Ito’y para bigyang-daan ang pagsasagawa ng ilang aktibidad na lalahukan ng mga guro ngayong World Teacher’s Day.
Base sa DepEd Memorandum na kinumpirma ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, na lilipat muna sa blended learning modalitiesang lahat ng in-person classes sa public elementary at secondary schools, kabilang na ang Community Learning Centers.
Samantala, nakasaad din sa Memo na suspendido rin ang face-to-face classes sa October 30.
Layunin naman nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga guro na makibahagi sa mga aktibidad at magampanan ang kanilang election-related duties sa October 30 local election.