Face-to-face classes para sa mga mag-aaral na hindi pa bakunado kontra COVID-19, suportado ng DILG-Region 10

Suportado ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa Region 10 ang hakbang na payagan na sa face-to-face classes ang mga mag-aaral sa elementarya at high school na hindi bakunado kontra COVID-19.

Ito ay kasunod sa inilabas na isang resolution ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) na nagpapahintulot sa in-person classroom academic proceedings para sa mga mag-aaral nang hindi kinakailangang magkaroon ng bakuna laban sa COVID-19.

Paliwanag ni DILG-10 Regional Director Arnel Agabe, ang naturang bakuna ay dapat lamang ibigay sa mga mag-aaral na pumapayag ang kanilang mga magulang o guardian na mabakunahan ang kanilang anak.


Dagdag pa ni Agabe, hinihimok niya ang pamahalaan at mga pribadong institusyon para sa basic education na magpatupad ng mga programa sa pagbabakuna kontra COVID-19 para sa kanilang mga mag-aaral alinsunod sa IATF Resolution no. 167-D.

Una nang inanunsyo ng Department of Education (DepED) na magbabalik na sa face-to-face classes ang lahat ng paaralan sa bansa ngayong darating na pasukan.

Facebook Comments