Face-to-face classes sa 4 na medical schools sa Maynila, pinayagan na ni Manila Mayor Isko Moreno

Inaprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa apat na medical schools sa Maynila.

Kabilang na ang pagsasagawa ng face-to-face classes at clerkship program para sa kanilang health related programs.

Ayon kay Moreno, nakipagpulong siya sa mga opisyal ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila College of Medicine, Metropolitan Medical Center College of Arts and Sciences, Chinese General Hospital Colleges at Manila Theological College – College of Medicine.


Layon nito na makalikha ng mga bagong mga doktor, nurses, midwives at iba pang pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) para makapagsagawa ng face-to-face classes.

Sa ilalim ng panukala ni PLM President Emmanuel Leyco, nais nito ang gradual na pagbubukas ng kanilang clinical clerkship program sa Ospital ng Maynila.

Ganito rin ang proposal ng Metropolitan Medical Center- College of Arts and Sciences.

Habang ang proposal naman ng Manila Theological College – College of Medicine ay mapayagan ang 4th year medical students na magsagawa ng limited hospital duty sa Tondo Medical Center.

Habang sa Chinese General Hospital Colleges ay inaprubahan ang pagpapatuloy ng hands on pre-clinical training at clinical rotation sa campus laboratory at hospital sa kanilang programa sa Doctors of Medicine, BS Nursing, BS Medical Technology, BS Radiologic Technology at BS Physical Therapy.

Nagpahayag din ng kahandaan si Moreno para sa swab testing upang magkaroon ng peace of mind ang mga estudyante at mga professor ng apat na medical schools.

Una nang pinayagan noong Pebrero ang face-to-face classes sa University of Santo Tomas (UST) at Centro Escolar University (CEU).

Facebook Comments