Aabot sa 1, 000 mag-aaral sa lungsod ng Dagupan ang lumahok sa pagbubukas ng face-to-face classes sa Bonuan Boquig National High School kahapon, ika-21 ng Marso.
Mula sa higit 3, 000 mag-aaral sa Grade 7-12 ng paaralan tanging 1, 000 lamang ang pumayag na magbalik eskwela.
Ito ang kauna-unahang paaralan sa lungsod na nagbukas para sa limited face-to-face classes.
Ang grades 7,8,11 at 12 ay magkakaroon ng klase tuwing Lunes at Martes kung saan tig-apat na subjects ang tutukan sa kada araw.
Ang klase naman ng Grade 9 at 10 at naka schedule tuwing Miyerkules at Huwebes.
Ayon kay Superintendent Aguedo Fernandez, DepEd SDO Dagupan, naging magandang panimula upang matutukan aniya ang pag-aaral ng mga estudyante dahil mas mabibigyan sila ng atensyon ng mga guro ang pangangailangan ng bata.
Sinabi din nito na kung maganda ang magiging kalalabasan ng pagsisimula ng limited face-to-face mas maraming magulang ang mahihikayat na payagan ang kanilang mga anak na bumalik na sa mga paaralan.
Buwan pa lamang ng Disyembre ng asikasuhin ng paaralan ang mga requirements na itinakda ng DepEd Central Office.
Inaasahan namang apat pang paaralan ang magsisimula sa lungsod sa susunod na lunes para sa limited face-to-face. | ifmnews
Facebook Comments