Face-to-face classes sa Davao Region, mananatiling suspendido habang sinusuri ang mga paaralang naapektuhan ng lindol

Inanunsyo ng Department of Education sa Rehiyon XI na mananatiling suspendido ang mga face-to-face classes sa buong Davao Region habang isinasagawa pa ang pagsusuri at beripikasyon sa mga paaralang naapektuhan ng nangyaring pagyanig noong nakaraang linggo.

Ayon kay Jenielito Atillo, tagapagsalita ng DepEd XI, nasa 1,366 na paaralan ang naapektuhan. Nasa 649 pa lang dito ang na-validate at nasa 717 pa ang kinakailangang sumailalim sa assessment.

Aniya, kailangan pang suriin at i-validate ang natitirang mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.

Facebook Comments