Posibleng payagan na ng Commission on Higher Education (CHED) at Inter-Agency Task Force (IATF) na ibalik ang face-to-face classes para sa ilang kurso sa kolehiyo sa susunod na taon.
Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, target nilang mailabas ngayong buwan ang guidelines para sa limitadong face-to-face classes.
Kabilang aniya sa piling mga kurso na papayagan ang face-to-face classes ay ang medicine o hotel and restaurant management.
Sabi pa ni De Vera, hindi requirement kundi option lang para sa mga kolehiyo ang pagsasagawa ng face-to-face classes.
Tiniyak naman ni De Vera na dadaan sa inspeksiyon ang mga eskuwelahan na nakapag-retrofit ng mga classroom.
Ang mga papasa sa inspeksyon ay papayagan nang gawin ang simulation at kalauna’y maaari nang simulan ang limited face-to-face classes sa second semester na karaniwang nagsisimula sa Enero.