Face-to-Face classes sa lahat ng antas ng paaralan sa Angeles City, Pampanga, suspindido sa Lunes dahil sa transport strike

Maagang naglabas ng kautusan ang lokal na pamahalaan ng Angeles City, Pampanga na nagsususpinde sa face-to-face classes sa Lunes.

Ito ay bunsod ng transport strike na ikinasa ng mga jeepney drivers at operators dahil sa usapin ng jeepney phaseout.

Sa Executive Order ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr., kapwa suspindido ang face-to-face classes sa pribado at pampublikong paaralan.


Ginawa niya ang maagang abiso para mabigyan ng pagkakataon ang mga school management na ihanda ang modular classes para sa isang linggo.

Paliwanag niya, hindi dapat maaapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante sa ikinakasa na nationwide transport strike.

Facebook Comments