
Suspendido na ang face-to-face classes sa Maynila mamayang hapon.
Ito ay dahil sa masamang panahon na nararanasan ngayon sa lungsod.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, epektibo ang suspensiyon ng face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan mula alas-dose ng tanghali.
Saklaw nito ang Kindergarten hanggang Senior High School.
Dahil dito, inabisuhan ang mga paaralan na lumipat ng Alternative Delivery Mode
Nakadepende naman sa pamunuan ng mga unibersidad at kolehiyo ang suspensiyon sa kanilang mga klase.
Facebook Comments









