Suspendido muna ang face-to-face classes sa Metro Manila simula ngayong araw, Enero 3.
Ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, ang suspensiyon ng face-to-face classes ay napagkasunduan ng Department of Education at ng mga alkalde sa Metro Manila.
Samantala, sinabi naman ng DepEd na ipagpapatuloy ang face-to-face classes sakaling ibaba na sa alert level 2 ang NCR.
Habang mananatili ang pilot face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 1 at 2.
Facebook Comments