Face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19, pinaghahandaan pa rin ng DepEd

Nananatiling bukas ang Department of Education (DepEd) sa posibilidad na magkaroon ng limitadong in-person classes sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19.

Ayon kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali, sa ngayon ay walang face-to-face classes pero pinaghahandaan na rin ito ng ahensya.

Kasabay nito, humingi ng paumanhin ang opisyal sa mga napupunang mali sa kanilang self-learning modules.


Aniya, sinisikap ng DepEd na maitama at maging perpekto ang lahat sa kabila ng hindi perpektong sitwasyon ngayon sa bansa.

Tiniyak din ni Umali na “satisfactory” ang mga module kaya walang dapat na ipag-alala ang mga magulang.

Oktubre 5 nang pomal na magbukas ang pasukan sa ilalim ng blended learning.

Aabot sa 24.7 milyong estudyante ang nakapagpa-enroll kung saan 22.5 milyon dito ay nasa public schools.

Facebook Comments