Pinayagan na ng Commision on Higher Education o CHED ang Universidad de Manila o UDM na magsagawa ng face-to-face classes at internship para sa kursong BS Nursing at BS Physical Therapy.
Ayon kay UDM President Dr. Felma Carlos – Tria, natanggap na nila ang Certificate of Authority to Reopen Campus Conduct of Limited face-to-face classes at internship para sa BS Nursing at BS Physical Therapy.
Nagsagawa na rin ang UDM ng mga repair sa kanilang pasilidad bilang pagtalima sa mga panuntunan na itinakda ng CHED at ng Department of Health (DOH).
Kasama na rito ang retrofitting ng classrooms upang matiyak ang kaligtasan ng mga propesor at mga estudyante sa harap ng pandemya.
Gayundin ang tamang floor markings, class scheduling, regular na sanitasyon, pagpapakalat ng automatic alcohol dispensers, at hand washing station.
Bukod pa ang QR code-based contact tracing, isolation tent at komprehensibong manual sa mga panuntunan sa paglaban sa pagkalat ng COVID-19.