FACE-TO-FACE GRADUATION CEREMONY, HINDI PA PINAPAYAGAN AYON SA DEPED REGION 1

Nagpa alala ngayon ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) Regional Office 1 sa mga paaralan sa patuloy na pagsunod na ipinaiiral na “No Face-to Face Policy” para sa mga nakatakdang Graduation Ceremony ng mga estudyante ngayong School Year 2020-2021.

Sinabi ni DepEd Region 1 Director Tolentino Aquino, hindi parin iminumungkahi o pinapayagan ang face-to-face para sa Graduation o Recognition Rites para sa pagtatapos ng mga estudyante bilang pag-iingat at pagsunod sa Health Safety Protocols laban sa COVID-19.

Dagdag pa ng opisyal, patuloy na iminumungkahi ang pagsasagawa ang Virtual Graduation Rites ngayong taon para bigyang parangal ang mga mag-aaral.


May mga paaralan naman umano ang nagsasagawa ng mobile graduation o nagbibigay ng mga parangal o diploma sa bawat establisyemento sa kada bahay o barangay.

Facebook Comments